-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga lugar na nagsuspendi ng klase ngayong araw ng Martes, Oktubre 22 kasabay ng pagdami pa ng mga lugar na inilagay sa Tropical Cyclone Wind Signal warnings dahil sa bagyong Kristine.

Sa Luzon, partikular sa Region 5 o Bicol region, walang pasok sa mga eskwelahan sa private at public sa lahat ng antas sa Sto. Domingo, Albay.

Gayundin sa ilan pang mga lugar sa Sorsogon kabilang ang Bulan, Bulusan hanggang bukas, Oktubre 23 kanselado ang klase, Donsol, Juban, Magallanes, Pilar, Sorsogon city, Sta. Magdalena hanggang bukas din habang ang Castilla naman ay nagdeklara ng suspensiyon ng klase mula kinder hanggang Grade 12.

Sa Visayas naman partikular sa Region 6 o Western Visayas, kanselado ang mga klase mula pre-school hanggang senior high school sa Talisay city, Negros Occidental.