-- Advertisements --

Bumaba na sa 45 ang bilang ng mga lugar sa Metro Manila na naka-granular lockdown mula sa 78 noong nakaraang linggo.

Batay sa datos ng PNP Joint Task Force Covid Shield, ang mga lugar na ito ay binubuo ng 32 kabahayan, 3 residential building, 3 kalye, 1 putok, at 6 na subdivision.

Ang mga ito ay nasa 41 barangays sa NCR, kung saan 26 ang sakop ng Manila Police District; 2 ang Southern Police District; at 13 ang Quezon City Police District.

Apektado ng granular lockdown ang 248 na pamilya o 886 na indibidwal sa nabanggit na mga lugar.

179 na pulis naman at 174 force multipliers ang nakadeploy sa mga lugar na ito para masiguro ang pagpapatupad sa health protocols.

Samantala, nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas ang 17 na lugar sa ating lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay.

Siniguro naman ng pamahalaang lokal na mamahagi ang sila ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya at sila ay sasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.