Umakyat na sa 13 mga lugar ang nakakaranas ngayon ng “danger” heat index ngayong araw sa bansa.
Sa gitna pa rin ito ng matinding init ng panahon na dulot ng El Niño phenomenon at dry seasons na nararanasan ngayon sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na weather forecast ng isang state weather bureau, aabot naman sa 42 degrees Celsius ang naitala sa NAIA Pasay City sa Metro Manila, Laoag City sa Ilocos Norte, Tuguegarao City sa Cagayan, ISU Echague sa Isabela, Clark Airport sa Pampanga, Aborlan sa Palawan, Virac sa Catanduanes, Masbate City sa Masbate, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur, at Cotabato City sa Maguindanao.
Nasa 43 degrees Celsius naman ang naitala sa Aparry, Cagayan, habang ang Dagupan City sa Pangasinan naman ang nakapagtala ng pinakamataas na heat index na mayroong 45 degrees celsius.
Matatandaan na una nang iniulat ng state weather bureau na posibleng magtagal pa hanggang sa buwan ng Mayo ang nararanasan danger at extreme danger heat index sa ilang bahagi ng bansa.
Dahil dito ay patuloy na inabisuhan ng mga kinauukulan ang publiko na Iwas an ang mga sakit na maaaring makuha nang dahil sa matinding init ng panahon tulad ng paglimita sa pananatili sa paglabag ng bahay, pag-inom ng maraming tubig, pagdadala ng pananggalan sa init tulad ng payong, sumbrero at iba pa.