-- Advertisements --

Dumami pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal dahil sa tropical depression Neneng.

Nakataas na ngayon ang signal number one (1) sa Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, northern at eastern portions ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol, Calanasan), extreme northern portion ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon), and the northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin, Vintar, Dumalneg, Adams).

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 575 km sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 15 kph.

may lakas ito ng hanging 55 kph at may pagbugsong 70 kph.