Lalo pang lumawak ang mga lugar na apektado ng bagyong Aghon.
Huli itong namataan sa layong 135 km sa silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 km/h.
May lakas ito ng hangin na 55 km/h at may pagbugsong 70 km/h.
Nakataas ang signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte (San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Basud, Daet, Talisay, Mercedes), Masbate kasama ang Ticao Island, Burias Island; Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Biliran, Camotes Islands; Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama ang Siargao and Bucas Grande Islands, Surigao del Sur, Agusan del Sur (Sibagat, City of Bayugan, Prosperidad, San Francisco, Rosario, Bunawan, Trento) at Agusan del Norte.