Nadagdagan pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signals dahil sa bagyong may international name na Surigae o tinatawag sa ating bansa bilang typhoon Bising.
Ayon sa Pagasa, kabilang sa mga nasa signal number one sa Luzon:
Central at eastern portions ng Sorsogon (Castilla, Magallanes, Matnog, Juban, Irosin, Bulan, Santa Magdalena, Bulusan, Barcelona, Casiguran, Gubat, Prieto Diaz, Sorsogon City), eastern portion ng Albay (Manito, Legazpi City, Santo Domingo, Malilipot, Bacacay, Tabaco City, Rapu-Rapu, Malinaw, Tiwi), eastern portion ng Camarines Sur (Presentacion, Caramoan, Garchitorena) at Catanduanes
Visayas:
Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte at Camotes Islands
Mindanao:
Dinagat Islands, Surigao del Norte (kabilang na ang Siargao at Bucas Grande Islands) at Surigao del Sur
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 705 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte o 775 km sa silangan ng Maasin City, Southern Leyte.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 kph at may pagbugsong 215 kph.