-- Advertisements --

Ilang lugar na lamang ang nananatili sa Signal No. 1 kasunod ng unti-unting paglayo ng Bagyong Vicky sa Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, nasa ilalim pa rin ng warning signal ang northern at central portions ng Palawan (Quezon, Narra, Sofronio Espanola, Aborlan, Puerto Princesa City, Roxas, San Vicente, El Nido, Taytay) kasama na ang Kalayaan Islands.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 140 km hilagang-kanluran ng lungsod ng Puerto Princesa, Palawan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging 55 kph malapit sa gitna, habang nabawasan naman ang pagbugso nito sa 70 kph.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.

Inaasahang lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility bandang hapon o gabi.