-- Advertisements --

Dumami pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number one (1).

Mula sa mga lalawigan lamang sa Eastern visayas kahapon, umaabot na ang alerto ng bagyo sa mga lalawigan sa Southern Luzon.

Kabilang sa mga nasa signal number one ang mga sumusunod:

Catanduanes, Albay, Sorsogon, Camarines Sur, Masbate (kasama na ang Burias at Ticao Island), Samar, Northern Samar, Eastern Samar, Biliran, Camotes Island at Leyte.

Huling namataan ang sentro ng typhoon Tisoy sa layong 885 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 185 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.