DAVAO CITY – Inihayag ng otoridad na babantayan pa rin nila ang mga lugar sa Davao region kahit hindi pa ito nakapagtala ng kaguluhan sa panahon ng eleksiyon.
Sinasabing sa kasalukuyan, nasa dalawang mga siyudad sa 19 na munisipalidad ngayon sa Davao Region ang parehong isinailalim sa election watchlist areas (EWAS) dahil sa mainit na away ng mga politiko.
Una ng sinabi ni Pol. Major Eudisan Gultiano, PRO-Davao spokesperson, minomonitor ngayon ng otoridad ang mga siyudad ng Digos sa Davao del Sur at Tagum sa Davao del Norte.
Binabantayan rin ngayon ang mga munisipalidad sa Davao region na kinabibilangan ng Laak, Mabini, Maco, Maragusan, Mawab, Monkayo, New Bataan, Pantukan at Montevista sa Davao de Oro; Bansalan, Kiblawan, Matanao, Magsaysay at Sta. Cruz sa Davao del Sur; New Corella at Talaingod sa Davao del Norte; Jose Abad Santos sa Davao Occidental; at Lupon sa Davao Oriental.
Dahil dito, aasahan na mas maraming security personnel ang i-dedeploy sa nasabing mga lugar.
Nabatid na may mga lugar sa Davao region na may presensiya ng mga armadong grupo at nagsasagawa ng pangingikil sa politiko dahilan na mhigpit itong binabantayan ng otoridad.
Sakaling mangangampanya umano ang mga kandidato sa mga lugar na may presensiya ng armadong grupo, mas mabuti umano na makipag-ugnayan muna ang mga ito sa otoridad para agad na ma-assist.