-- Advertisements --

Bumaba pa ang bilang ng mga lugar na nakalagay sa granular lockdown sa National Capital Region (NCR).

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula sa 121 bumaba sa 117 lugar ang naka-lockdown mula sa 78 barangay sa Metro Manila.

Ilang kabahayan, subdivisions/villages, residential buildings, mga palapag ng residential building at kalsada ang kabilang sa mga nakasailalim sa granular lockdown.

Ang mga nasabing lugar na inilagay sa granular lockdown ay itinuturing na nasa critical zones ng COVID-19 infection ng local government unit.

Patuloy pa rin na nakabantay ang nasa 363 PNP personnel at 410 force multipliers para mapanatili ang seguridad at matiyak na nasusunod ang minimum public health standards upang mapigilan ang transmission ng deadly virus sa mga apektadong lugar.