-- Advertisements --
Magpapatupad ng curfew ang Tunis, ang capital ng bansang Tunisia para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Magsisimula ang curfew mula alas-siyete ng gabi hanggang ala-singko ng umaga.
Mula kasi noong Hulyo ay naging maluwag ang lugar kaya tumaas ang kaso ng COVID-19.
Ipapatupad din ang nasabing curfew sa ilang karatig na lugar gaya sa probinsiya ng Manouba, Ariana at Ben Arous.