-- Advertisements --

Tinatamaan ng Delta variant ng COVID-19 ang mga lugar sa US kung saan mayroong mababang vaccination rates.

Ayon kay Dr. Anthony Fauci ang chief medical adviser ni US President Joe Biden na nagtutungo sa maling direksyon ang US dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga ayaw magpabakuna.

Dapat ikonsidera ng mga health officials ang muling paggamit ng mga face mask sa mga naturukan na ng COVID-19 vaccine para hindi na lumaki ang nasabing kaso.

Pinag-aaralan din nila ang pagkakaroon ng booster vaccines sa mga naturukan na.

Umaabot na kasi sa 162.7 milyon o katumbas ng 49% ng populasyon ng US ang fully vaccinated na.