-- Advertisements --

Nasa 2,442 katao ang inaresto dahil sa paglabag sa physical distancing sa loob lamang ng isang linggo.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mayroong 1,556 katao ang kanilang naaresto mula Hunyo 21-27.

Umabot naman sa 837 ang hindi nagsusuot ng face mask at 39 naman sa mass gatherings.

Bumaba naman ang bilang ng mga nasita ng hindi nagsusuot ng kanilang face mask.

Karamihan sa mga naarestong lumabag ay binigyan ng warning.

Iniimbestigahan na rin nila ang mga government officials na nagpabaya sa pagsasagawa ng mga mass gatherings.