CENTRAL MINDANAO – Hinuli ng mga otoridad ang mga lasing at lumabag sa pinaiiral na curfew hours sa pinaigting na kampanya ng LGU-Sto Tomas Davao Del Norte laban sa banta ng COVID-19.
Ang mga nahuli ay dinala sa Santo Tomas Recreation and Cultural Center at pinagbantay sa dalawang kabaong bilang parusa sa mga lumabag sa curfew hours.
Ang mga nahuli ay nasang tamang edad na na nakainom umano sa kabila ng liquor ban.
Ayon kay Sto Tomas Mayor Ernesto Evangelista na ang kanilang hakbang ay aprubado ng lokal na pamahalaan at haharap din sa kasong kriminal ang mga curfew violators.
Layunin nito para ipaalala sa mga lumalabag ang kamatayan sa gitna ng banta ng Coronavirus disease (COVID-19).
Sa ngayon ay epektibo ang hakbang ng LGU-Sto Tomas dahil bumaba ang bilang ng mga lumalabag sa curfew hours at liquor ban.