-- Advertisements --
Pumalo na sa 1,507 katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP ) dahil sa paglabag sa gun ban nitong 2025 midterm elections.
Sinabi ni PNP Public Information Office (PIO) chief Col. Randulf Tuaño, karamihan sa mga naaresto ay mula sa Metro Manila na sinundan ng Central Luzon at sa Calabarzon.
Marami sa mga naaresto ay sibilyan habang mayroong pitong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), anim na sa PNP at lima naman ang galing sa ibang law enforcement agencies.
Mayroon din silang nahuling dalawang elected government officials, dalawang appointed government officials at dalawang menor de edad.
Mula aniya ng magsimula ang election gun ban ay tuloy-tuloy ang ginagawa nilang checkpoint.