-- Advertisements --
jc sto nino

Ikinatuwa ng publiko maging ng mga lumahok sa exhibit ng fiesta del Sto Niño 2023 ang muling pagbabalik ng naturang event sa Cuneta Astrodome, sa Pasay City sa kabila ng pandemya na kinahaharap ng bansa.

Sakop ng iba’t ibang kasuotan, kulay, at laki ng higit 300 na santo niño ang pinagdadausan ngayon ng exhibit na patuloy na dinadayo ng publiko dahil sa nakamamanghang ganda nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines sa ilang mga lumahok sa exhibit, nagpahayag sila ng kagalakan sapagkat kahit na nasa pandemic anila ay naisakaturan itong pagdiriwang.

Ayon kay Nanay Jesusa Garcia, kalahok sa exhibit, nagtitinda ng isda ang disenyo ng kanyang Santo Niño kung saan ito rin ang kanyang negosyo na bumuhay sa kanyang pamilya at napagtapos niya ang kanyang mga anak dahil sa pagtitinda nito.

Agaw-atensyon ang tema ng kanyang Santo Niño sapagkat bukod kasi sa may mga ilaw ito pinalilibutan ito ng mga palamuti.

Samantala, masaya naman si Margie sapagkat matapos ang ilang taon na pagkaantala ng exhibit at prusisyon ay muli itong bumalik kahit na nasa pandemya pa rin ang bansa.

Simula taong 1992 ay deboto na si Margie ng Santo Niño.

Isang grupo sina Margie na lumalahok sa exhibit kaya naman laking pasasalamat niya na muli na ulit itong isinagawa.

Sa pahayag naman ni Nanay Asteria, nagagalak siya dahil muling nagsama-sama ang mga imahen ng Santo Niño matapos ang ilang taon na walang ganitong event.

Deboto si Nanay ng Santo Niño kaya naman agad-agad siyang bumisita sa Cuneta Astrodome para masaksihan muli ang iba’t ibang klase ng imahen.

Nagsimula na kahapon ala-1 ng hapon ang pagsasapubliko ng exhibit at magtatapos hanggang sa huling araw nito, ika-28 ng Enero.

Simula ika-20 hanggang ika-27 rin, dakong alas-7 ng gabi ang novena mass.

At ang huling araw, ika-29 ng Enero ang grand procession, dakong alas-3 ng hapon.

Magsisimula naman ang ruta ng prusisyon simula Pasay City Hall at magtatapos sa Jalandoni Street.