-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Kasunod ng paglayo ng bagyong Odette sa bansa, nagsimula nang umuwi sa kani-kanilang bahay ang mga lumikas na residente sa lalawigan ng Aklan.

Dakong alas-12:00 kagabi hanggang alas-2:00 ng madaling araw kanina nang maramdaman ang hagupit ng bagyo.

Malaki naman ang pasasalamat ng mamamayan dahil kahit malakas ang hangin ay wala itong dalang ulan.

Dahil bumuti na ang takbo ng panahon, umuwi na ang mga nagsilikas sa Kalibo na may 80 pamilya, sa Barangay Tambak, New Washington ay may 26, sa Malay ay may 200 residente habang mayroon din sa Balete at Altavas.

Nangangamba ang mga ito na malagay sa panganib ang kanilang buhay.

Dahil kalmado na rin ang alon sa dagat, unti-unti nang naglilinis at nag-aayos ang mga residente sa ilang bahagi ng bahay na nasira.

Samantala, sinabi ni punong Barangay Lucille Macario ng Tambak, New Washington na binigyan ng family food packs ang mga lumikas.