LEGAZPI CITY- Pinayagan ng makabalik sa kanilang mga tahanan ang mga pamilya na lumikas matapos ang pagtama ng magnitude 6.2 na lindol sa Gigmoto, Catanduanes kagabi.
Ayon kay Senior Fire Office 1 Benigno Tablizo ng Gigmoto Fire Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang naturang mga residente ay nakatira malapit sa karagatan.
Aniya naitala kasi ang isa hanggang dalawang metro na pagtaas ng tubig dagat matapos ang naturang lindol.
Kasunod naman ng abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na pag-lift ng tsunami advisory ay pinayagan na umuwi na sa kanilang mga tahanan ang mga residente na nakatira sa mga coastal area.
Samantala, patuloy naman ngayon ang isinasagawang assessment sa mga gusali sa lalawigan subalit wala pa naman aniyang naipapaulat na pinsala.
Patuloy rin na naka alerto ang mga kinauukulan para sa mga aftershocks na posibleng maramdaman.