-- Advertisements --
Ikinabahala ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA) ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nawawalan ng tirahan sa Gaza dahil sa pinaigting na military operations ng Israel.
Base sa kanilang datus na nasa 75 percent ng populasyon ng Gaza ang sapilitang na-lumikas.
Pinakahuling pagpapalikas sa kanila ng mga sundalo ng Israel ay noong Mayo 6.
Naghulog sila ng mga leaflet na naglalaman ng paanyaya na dapat ay lumikas na sila palabas ng Rafah.
Mula noon aniya ay aabot na sa mahigit 900,000 ng mga katao ang lumikas palabas ng Rafah.
Tumaas din ang bilang ng mga nagtungo sa Khan Younis para doon magtago ang mga lumikas palabas ng Rafah.