-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Binaha ang mga mababang lugar sa probinsya ng Cotabato dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Dulot ito ng low pressure area o sama ng panahon na tumama sa bahagi ng Mindanao.
Hanggang tuhod ang lebel ng tubig sa mga bayan ng binaha sa North Cotabato sa mahigit dalawang oras na malakas na buhos ng ulan.
May ilang residente ang naperwisyo sa baha ngunit marami naman ang nagpapasalamat sa ulan lalo ang mga magsasaka sa mga lugar na halos isang buwan nang hindi umulan.