-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Justice na maaaring magamit ng mga kinauukulan ang mabibigat na binitawang pahayag ni Ex-PCSO GM at retired Police Col. Royina Garma sa naging pagharap nito sa mga nakalipas na pagdinig ng Quad Committee ng Kamara.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla hindi na kailangan pa na sila ang magsabi sa International Criminal Court kung ano ang kailangan nitong gawin.

Aniya, maaaring magamit ang mga pahayag na ito kung kayang panindigan at kung kayang patunayan ni Garma ang kanyang mga paratang.

Si Garma ay kasalukuyang naka detene ngayon sa US dahil sa kasong money laundering.

Nabatid na mayroong malaking halaga ng pera na nadiskubre sa kanya at pagmamay ari ng gobyerno ng Pilipinas.