-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hindi nababahala ang isang religious instition dito sa lungsod ng Dabaw sa balitang isina-ilalim sa profiling ng PNP ang mga nag-organisa ng mga community pantry sa bansa.

Inihayag ni Sister Flora Secuya, coordinator ng Missionaries of the assumption na bago pa nila sinimulan ang kanilang community pantry nakiipag-coordinate na sila sa barangay sa pamamagitan ng pagpadala ng sulat at suportado umano ito ng mga barangay officials.

Mula ng kanilang binuksan ang community pantry dalawang araw na ang nakakaraan walang mga police o kaya sundalo ang pumunta dito upang magtanong patungkol sa kanilang kongresgasyon.

Maliban sa bigas, delata, gulay at mga prutas, nagbibigay din umano sila ng mga lutong pagkain.

Pero nilinaw ni Sister Flora na bago paman nagsimula ang community pantry, mayroon na silang Kitchen of hope kung saan binuksan nila ito kasabay ng paglulunsad ng selebrasyon ng 500 years of Christianity sa Pilipinas.

Sa ngayon ang lungsod ng Dabaw ay mayroon nang walong mga commumity pantries na makikita sa Roxas Avenue, Madapo Hills, Matina, NHA-Bangkal, Davao City Jail, Mintal, Mulig, at Cabaguio Avenue.