-- Advertisements --

Nananawagan ang mga residente sa Dingle, Iloilo na pabilisin at pagtuunan-pansin ang re-construction ng Monfort Bridge sa naturang bayan na nasira sa pananalasa ng Bagyong Agaton noong Abril 2022.

Umaga pa lang kasi ay agaw-pansin na ang mahabang pila ng mga estudyante maging ng mga nasa elementarya pa lamang upang makasakay sa balsa at makatawid sa ilog papuntang eskwelahan.

Pinangangambahan rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa halos isang oras na pila bago makasampa sa balsa at wala pa umanong nag-a-assist.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Punong Barangay Edgar Andora ng Poblacion, Dingle, Iloilo, sinabi nito na isang taon na matapos ang bagyo ngunit hindi pa rin madaanan ang Monfort Bridge na siyang umuugnay sa Camambugan at Poblacion.

A.D. Pendon Construction and Supply umano ang kontraktor sa reconstruction ng P60-million project at napipintong matapos na sa buwan ng Abril ngayong taon ngayon hindi pa nangangalahati ang proyekto.

Napag-alaman rin ng Bombo News Team na Setyembre 28,2022 pa nang ibinigay ng Iloilo Provincial Government ang P5 million sa Local Government Unit ng Dingle para sa rehabilitation ng Moroboro hanging bridge sa Barangay Moroboro.