Nagbabanta nanaman ang panibagong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bansa.
Dahil dito, maaagang inalerto ng mga kawani ng Department of Agriculture ang mga mangingisda at magsasaka upang maisalba ang kanilang mga produkto sa banta ng bagyong Leon.
Ayon sa ahensya, maaaring maapektuhan ng bagyo ang mga magsasaka at mangingisda sa ilang lalawigan ng Northern Luzon.
Paalala ng DA na ngayon palang mas mainam na anihin na nila ang kanilang mga pananim at gamitin ang kanilang mga post-harvest facilities.
Mas maigi rin na linisin na ng mga magsasaka ang mga daluyan ng tubig sa kanilang mga irrigation canal maging ang mga pilapil na palayan.
Sa ganitong paraan , maiiwasang masira ang mga ito dahil sa mga posibpeng pagbaha.
Pinayuhan rin ng DA ang mga mangingisda na hanguin na ng mas maaga ang kanilang mga alagang isda upang maiwasan ang pagkalugi.
Tiniyak rin ng ahensya ng tulong na matatanggap ng mga mangingisda at magsasaka sa oras na maapektuhan ng bagyo ang kanilang mga produkto.