BAGUIO CITY – Ibinahagi ni Mayor Faustino Aquisan ng Kabayan, Benguet na naapektuhan ng matindi ang mga magsasaka at mga tourist guide dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa opisyal, sinabi niya na malaki na ang naging lugi ng mga magsasaka mula noong nagsimula ang lockdown noong Marso ngayong taon.
Gayunpaman, tiwala ang opisyal na unti-unting magrerecover ang mga magsasaka at mga tourist guide na naapektuhan ng pandemya dahil sa pagpapaluwag ng mga guidelines na ipapatupad sa probinsiya ng Benguet.
Aniya, noong nakaraang buwan ay hindi na nakabenta ang mga magsasaka roon sa mga produkto ng mga ito at marami sa kanila ang nalugi dahil sa murang presyo ng mga gulay.
Sinabi rin niya na malaki rin ang lugi ng mga tourist guide doon dahil sa pagsasara ng turismo ng nasabing lugar.