Tuluy-tuloy ang pagbiyahe ng mga magsasaka ng kanilang paninda mula sa Cordillera sa kabila ng kabi-kabilaang mga pagbaha at pag-ulan.
Ang Cordillera ang isa sa pinakamalaking supplier ng mga high value crop sa National Capital Region, Ilocos Region, at Central Luzon.
Ngayong araw, mayroong hanggang 125 trucks ng mga magsasaka ang nagdala ng kanilang mga paninda sa pinakamalaking agricultural trading center sa Benguet. Malaking bulto nito ay dadalhin ang mga naturang produkto sa ibat ibang bahagi ng Luzon.
Siyam na truck ng mga high value crops ang dinala sa Divisoria, anim na truck ang dinala sa Balintawak, walo sa Urdaneta, Pangasinan, habang lima ang dinala sa iba pang mga probinsya.
Maalalang itinaas na ang price freeze sa National Capital Region dahil sa mga malawakang pagbaha rito.
Ito ay upang matiyak na mananatili ang presyo ng mga basic goods sa rehiyon at hindi samantalahin ng mga retailer at traders ang mataas ng demand mula sa mga consumer, kasabay pa rin ng paglalagay sa buong rehiyon sa state of calamity.