-- Advertisements --
Nagsimula nang magbenta ng P20.00 per kilo na bigas sa kauna-unahang pagkakataon ang mga magsasaka mula sa probinsya ng Bulacan.
Partikular na nakakuha ng tig-limang kilo bawat pamilya ang 600 residente ng Visayas Avenue sa Quezon City.
Ayon kay Pasay Councilor at I-Unlad foundation chairman Wowie Mangguera ang bagsak presyong bigas ng binigay ng mga magsasaka ay bunga ng pagtaas ng kanilang produksyon ng Palay.
Una na kasing nagsanib pwersa ang I-UNLAD at Organic fertilizer company para mamahagi ng libreng fertilizer sa mga magsasaka sa iba’t-ibang bansa.
Sa Enero, ang mga magsasaka naman mula sa Leyte ang inaasahang magbebenta ng bente pesos kada kilo ng bigas.