-- Advertisements --
Mujiv Hataman
Mujiv Hataman/ fb IMAGE

Pinapasama ni House Deputy Speaker Mujiv Hataman ang mga magsasaka sa ilalim ng Conditional Cash Transfer (CCT) Program ng pamahalaan.

Sinabi ni Hataman sa briefing ng Department of Agricultre sa Kamara na kailangan ng mga magsasaka ng ayuda mula sa gobyerno matapos malugi kasunod nang pagdami ng mga imported na bigas sa bansa makaraang maisabatas ang Rice Tariffication Law.

Bukod sa ipinapangakong tulong ng Rice Competitive Enhancement Fund na makuha sa implementasyon ng batas, iginiit ni Hataman na mainam kung may makuhang hiwalay na ayuda ang mga magsasaka sa CCT program ng DSWD.

Marapat lamang aniya na tapatan ng gobyerno ang paghihrap ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtitiyak na makakatnggap ang mga ito ng sapat na tulong.