Tiniyak ng provincial government ng Batanes na todo ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno sa lalawigan upang tumugon sa posibilidad ng anumang sakuna na dulot ng paparating na Super Typhoon Mawar.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cesar Roldan Esdicul, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi nito na lahat ay naghahanda dahil isang island province ang Batanes at lahat ay coastal municipalities na mapanganib sa tuwing may bagyo.
Ayon pa kay Esdicul, na-deliver na ng Philippine Navy at ng C1-30 aircraft ng Armed Forces of the Philippines ang family food packs o ayuda na kakailanganin ng mga residente.
Napilitan rin umanong kumilos ang mga magsasaka sa lalawigan matapos inirekomenda ng Provincial Agriculture Office na anihin na ang mga pananim upang maiwasan ang mas malaking pagkalugi.
Sinimulan na rin ng mga residente ang pagtatali sa mga bahay na gawa sa light materials at paglalagay ng mga tapangko.
Inabisuhan rin ang mga mangingisda na huwang munang pumalaot dahil sa banta ng malakas na ulan.