-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Kapangan, Benguet ang mga magsasaka na ipagpatuloy nila ang pagsasaka kahit apektado ang mga ito sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo-Baguio kay Mayor Manny Fermin, sinabi niyang kailangan mabuhay muli ang sektor ng agrikultura kahit patuloy na nararanasan ang mga problemang dulot ng COVID-19.

Gayunpaman, pinayuhan nito ang mga magsasaka na kapag kanilang ipinagpatuloy ang pagsasaka ay kailangan pa ring obserbahan ang mga quarantine protocols.

Kaugnay nito ay sinabi ng alkalde na nabigyan ng libreng buto ang mga magsasaka sa Kapangan, Benguet na naapektuhan ng krisis.

Sa ngayon ay gumagawa ng paraan ang lokal na pamahalaan para mapautang ang mga magsasaka upang mayroon silang gamitin sa muling pagsasaka.