LEGAZPI CITY – Dumadaing na ang ilang grupo ng mga magsasaka sa Bicol lalo na sa patuloy na pagbaba kan presyuhan ng palay na ipinagbibili ng mga ito.
Sinasabing epekto pa rin ito ng Rice Liberalization Law na dahil sa murang pagbili ng imported na bigas, nakakaranas ng pagkalugi ang mga lokal na magsasaka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bert Awtor ng Kilusang Magbubukid ng Bicolandia, ilan sa mga magsasaka ang napilitan nang isangla ang Certificate of Land Ownership Award (CLOA) bilang garantiya sa mga taniman na hind kayang sakahan lalo na sa kakulangan ng kapital habang hindi naman sigurado kung may mabibiling produkto.
Paliwanag pa ni Awtor, nasa P14 lamang ang pinakamataas na presyo ng palay para sa mga tuyo na habang may limit pang 50 hanggang 100 na sako ng produkto kung sa National Food Authority (NFA) ipagbibili.
Nauubos naman umano sa utang ang naaani lalo na sa pribado at maliliit na traders na lamang ipinagbibili ang mag ito.
Samantala, umaasa naman ang naturang grupo na maibabasura pa ang batas na nagpapabigat ng buhay ng mga magsasaka.