-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Umapela sa gobyerno ang mga magsasaka sa lalawigan ng Cagayan na gumawa ng hakbang upang maitaas ang presyo ng palay at mais.

Kasunod ito ng mga nalalantang pananim dahil sa nararanasang epekto ng tagtuyot at kawalan ng patubig sa mga irigasyon.

Pinangangambahan ng magsasakang si Jun Oandasan ng Baggao, Cagayan na posibleng hindi sila makabayad ng utang na ginamit sa pagsasaka dahil sa inaasahang pagkalugi.

Dahil walang ulan, sinabi ni Oandasan na nag-umpisa nang magbitak-bitak ang lupa sa mga taniman at unti-unti nang nauubos ang patubig sa mga irigasyon.

Hiling nila sa pamahalaan na mapataas ang presyo ng kanilang produkto kasabay rin ng mataas na presyo ng mga farm inputs.