-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Suportado ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang mga programa ng National Food Authority o NFA para sa mga magsasaka ng bayan.

Sinabi ni Cotabato NFA Acting Assistant Manager Mellany Vento na may dalawang mechanical dryer na inaasahang maipagkakaloob sa NFA sa mga susunod na buwan.

Aniya, makatutulong ito upang mabilis na mapababa ang moisture content ng mga palay na ibinibenta ng mga magsasaka sa NFA. Dagdag pa niya, mas mataas din ang buying price ng ahensya.

Ipinagpasalamat naman ito ni Mayor Gelyn at hinikayat din niya ang mga magsasakang tangkilikin ang mga programa ng NFA at samantalahin ang ipinagkakaloob na presyo ng palay.

Nilinaw naman ni Vento na mas mataas na ang kalidad ng bigas ng NFA ngayon sa merkado. Taliwas ito sa mga spekulasyon ng kalidad ng NFA rice sa mga nakalipas na taon.