CENTRAL MINDANAO-Masayang tinanggap ng 506 na mga magsasaka ng Brgy. Cuyapon, Liton-Kibales-Magatos IA, at ng Brgy. Upper Paatan sa Kabacan Cotabato ang binhi at dalawang sako ng fertilizer na buffer stock mula sa Kagawaran ng Pagsasaka.
Mismong sina Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr., VM Myra Dulay, ABC Pres. Evangeline Pascua-Guzman, MAO Tessie S. Nidoy, Cons. Datuan Macalipat, Cons. Raymundo Gracia, at Cons. Joel Martin ang namahagi ng nasabing ayuda.
Sa nasabing programa, ipinaliwanag ni MAO Tessie Nidoy na sa oras na napagalaman nitong may mga buffer stock ang Kagawaran inilapit nito ang balita sa alkalde at mismong alkalde ang gumawa ng paraan upang makuha ang ayuda.
Ayon kay Mayor Guzman, ang mga napiling barangay ay sa kadahilanang sila ang palagiang nakakaranas ng matitinding baha lalo na kung may malakas na ulan. Siniguro rin nito na kanila pang gagawan ng paraan upang makatanggap din ang ibang magsasaka.
Sa mensahe naman ni ABC Evangeline Guzman, niyaya nito ang mga magsasaka na huwag sanang ibenta ang natanggap na ayuda lalo pa’t katubas ito ng aabot mahigit sa limang libong piso.
Samantala, siniguro ni VM Dulay sa mga residente na kanilang mas pag-iigihan ang kanilang serbisyo upang matulungan ang lahat ng sektor sa bayan. Ani pa nito, na maganda ang relasyon ng ehekutibo at lehislatibo sa Kabacan kung kaya wala dapat ipangamba ang publiko.