Aabot sa mahigit 300 na magsasaka mula sa lalawigan ng Nueva Ecija ang makikinabang sa pasilidad at tulong pinansyal na ipinagkaloob ng Department of Agriculture.
Ito ay nagkakahalaga ng aabot sa P135.8 milyon na ipinamahagi sa dalawang lugar sa lalawigan .
Nanguna sa programa si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na kung saan ipinamahagi nito ang ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga magsasaka.
Kabilang na dito ang rice mill at dryer na layong mapalakas ang kapasidad at kakayahan ng mga magsasaka.
Aabot naman sa P13 milyon ang inilaan ng DA Regional Field Office III bilang tulong sa kanila.
Paliwanag ng DA, ang mga pasilidad na kanilang ipinagkaloob ay mula sa PhilMech na katuwang ng ahensya sa ilalim ng Rice Competitiveness and Enhancement Fund Mechanization Program.