-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakatanggap ang 124 magsasaka ng alagang kambing, baka at kalabaw sa ilalim ng animal dispersal program ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato katuwang ang Office of the Provincial Veterinarian.

Ayon kay OPVET chief, Dr. Rufino Sorrupia, nasa 76 kalabaw at baka at 144 kambing ang naimapahagi sa bayan ng Makilala, Arakan, Magpet at sa lungsod ng Kidapawan ngayong buwan ng Setyembre.

Kabilang sa mga napiling benepisaryo ng kalabaw o baka ay ang Brgy Ilomavis 10, Brgy Buhay 5, Kabalantian 6, Basak at Binay 55.

Nakatanggap naman ng kambing ang Brgy Buhay 39, Ilian 60 at Kabalantian 45.

Nabatid na ang nga benepisyaryo ay kabilang sa sektor ng mga biktima ng lindol, apektado ng African swine fever (ASF) at ang myembro ng rebeldeng grupo na nagbalik loob sa pamahalaan sa pamagitan ng Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) program ng pamahalaan.