CENTRAL MINDANAO – Nagtapos na ang isinagawang two-day Upland Rice Orientation ng Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) katuwang ang Office of the Municipal Agriculturist (OMAg) para sa mga farmer beneficiaries ng Pigcawayan, Cotabato.
Layon ng naturang aktibidad na makatulong sa mga upland rice farmers sa pamamagitan ng pagtuturo ng social preparations at pamamahagi ng agricultural inputs sa mga magsasaka.
Nasa mahigit 100 upland farmers mula sa pitong barangays sa Pigcawayan kabilang ang Brgy. Kimarayag, New Panay, Malagakit, Molok, Payong-payong, New Igbaras at Midpapan ang naging benepisaryo nito.
Maliban sa dagdag na mga kaalaman, nakatanggap din ang bawat farmer beneficiary ng agricultural inputs mula sa DA-SAAD na kinabibilangan ng dalawang bags ng upland palay seeds, dalawang bags ng urea fertilizer, dalawang bags complete fertilizer, gardening tools tulad ng bolo, hand trowel at shovel at alagang kambing.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng LGU-Pigcawayan sa Department of Agriculture sa patuloy na pagsasagawa at pagkakaroon ng mga programa at proyekto para sa mga mamamayan ng bayan.
Nagpahayag din ito sa mga farmer beneficiaries na palaguin ang mga natanggap na tulong mula sa DA-SAAD at huwag sana itong dahil malaking tulong ito sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.