-- Advertisements --

Naniniwala ang liderato ng Senado na hindi maaapektuhan ang buong operasyon nila kahit mabawasan ng isa.

Kasunod ito ng appointment ni Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong Education Secretary.

Matitira pa rin kasi sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang 23 sitting senators.

Narito ang mga senador na magsisilbi pa hanggang June 30, 2028:

Alan Peter Cayetano
JV Ejercito
Francis Escudero
Jinggoy Estrada
Sherwin Gatchalian
Risa Hontiveros
Loren Legarda
Robin Padilla
Raffy Tulfo
Joel Villanueva
Mark Villar
Migz Zubiri

Habang narito naman ang mga magtatapos na ang termino sa June 30, 2025:

Nancy Binay
Pia Cayetano
Ronald dela Rosa
Bong Go
Lito Lapid
Imee Marcos
Koko Pimentel
Grace Poe
Bong Revilla
Francis Tolentino
Cynthia Villar

Sa nasabing mga magtatapos ng termino sa susunod na taon, pito naman sa kanila ang kwalipikadong tumakbo para sa re-election bid.