-- Advertisements --

Inatasan ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang lahat ng mga pasahero na magtutungo sa kanilang bansa ay dapat sumailalim ng 14-araw na quarantine.

Sinabi nito na ilalagay ang mga ito sa self-quarantine o isolation area para hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Ayon naman kay Interior Minister Aryeh Deri na agad itong epektibo sa mga Israelis na bumabalik sa kanilang bansa habang epektibo naman ito sa mga foreign citizens simula sa Huwebes.

Paglilinaw ng mga opisyal na ang nasabing desisyon ay kanilang napagpasyahang mabuti ng mga opisyal ng gobyerno.