-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Aminado ang Department of Social Welfare and Development o DSWD-Caraga na tumaas ang mga kaso ng online sexual abuse and exploitation sa mga bata nitong rehiyon mula noong 2018 hanggang ngayong taong 2022 na umabot na sa 41.

Ito ang inilabas ng DSWD-Caraga matapos na magbanta si DSWD Sec. Erwin Tulfo na kailangan ng itigil ng mga magulang ang paggamit sa kani-kanilang mga anak sa aghahanap ng ikabubuhay.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Cath Aranas ng DSWD-Caraga, ang naturang record ay sa kanila lamang tanggapan at hindi pa kasali dito ang mga local government units o LGUs.

Tumaas umano ang naitalang mga kaso dahil sa concerted effort ng mga concerned government agencies na naglalayong mapababa ito dahil karamihan sa mga biktima nito ay mga minor-de-edad o mga bata.

Aminado din ang opisyal na karamihan ng mga perpetrators nito ay ang kanilang mga sariling ina, mga tihyahin, mga ninag at iba pang mga kakilala sa kanilang paligid.

Base umano sa isinagawang validation ng kanilang mga social workers, nalaman na ang rason na nagawa ito ng mga perpetrators sa kanilang ka-anak ay dahil sa laki ng offer lalo na ng mga dayuhang kostumer na mahirap hindian.

Andyan pa ang misconception ng mga perpetrators na wala umanong child sexual abuse na mangyayari dahil walang physical involvement sa kanilang ginawa.