Nanawagan na rin si PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa mga magulang at guro na bantayan ang mga bata para hindi mabiktima sa kontrobersiyal na tinaguriang “Momo challenge†sa social media.
Ito ay kasunod ng ulat na isang 11-anyos na batang si CJ ang nagpakamatay matapos maglaro ng online game “Momo challengeâ€.
Sa “Momo challenge†at mga kahalintulad na “suicide games†ay may mga pinagagawang “challenge†sa mga bata na peligroso at maaring humantong sa kanilang kamatayan.
Ayon kay Albayalde, ang mga magulang ang mga nasa posisyon na i-monitor ang online activity ng kanilang mga anak para mapigilan ang kanilang pagkahumaling sa “suicide gamesâ€.
Ang mga guro naman aniya ay maaring makatulong sa pag-report ng anumang kakaibang pagkilos ng mga mag-aaral, lalo pa kung ito ay nagpapakita ng suicidal tendencies, para maagapan.
Inamin ni Albayalde na hindi mamomonitor ng PNP ang lahat ng mga ganitong uri ng aktibidad sa internet, at maaksyunan lang nila ito kapag ni-report sa kanila.