Nanawagan ang pamunuan ng Philippine Statistics Authority sa mga magulang na hikayatin ang kanilang mga anak magpa rehistro kanilang National ID System.
Kabilang sa maaaring iparehistro ay mga bata na nasa isa hanggang apat na taong gulang.
Sa naging pahayag ni National Statistician and Civil Registrar General PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, wala pa ring patid ang pagtanggap nila ng registration mula sa kanilang mga itinalagang venues.
Ito ay naglalayong maging mas accessible sa mga kabataan ang pagpaparehistro para sa National ID.
Sinabi pa ni Mapa na patuloy rin ang kanilang mobile registration activities na nag-iikot lalo na sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas ng bansa.
Batay sa datos, as of July 12, 2024, aabot na sa kabuuang 88,720,028 na mga Pilipino ang matagumpay na nakapag rehistro sa National ID System ng PSA.