-- Advertisements --

Muling nagpaalala ang pamunuan ng Philippine National Police sa mga magulang ngayong holiday season na gabayang mabuti ang kanilang mga anak sa paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa araw ng pasko at new year.

Ginawa ng Pambansang Pulisya ang pahayag matapos ang naging babala ng DOH hinggil sa masamang epekto ng iligal na paputok partikular na sa mga kabataan na madalas na mabiktima nito.

Batay sa panibagong datos ng DOH, umabot na sa 25 ang kabuuang bilang ng naputokan bago pa man ang pasko at bagong taon.

Ito ay binubuo ng 23 na lalaki at 2 babae kung saan 20 sa mga biktima ay 19 years old pababa.

Sa naging pahayag ni PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, karamihan talaga sa nabibiktima nito ay mga kabataan.

Kabilang sa mga paputok na ito ay watusi, piccolo, baby rocket at iba pa.