-- Advertisements --

LAOAG CITY – Sinampahan na ng PNP ang mga magulang ng dalawang menor de edad na namatay sa nangyaring aksidente sa Brgy. Magnuang, lungsod ng Batac, Ilocos Norte kamakailan.

Ayon kay P/Maj. Allan Emerson Dauz, chief of police ng PNP-Batac, sinampahan nila ng kaso ang mga magulang ng dalawang menor de edad dahil pinayagan nila ang mga ito na magmaneho ng motorsiklo.

Sinabi ni Dauz na posibleng makulong ng hanggang anim na buwan ang mga magulang ng mga biktima.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may magulang na nasampahan ng kaso hinggil sa pagpayag ng mga ito sa kanilang menor de edad na anak na magmaneho ng motorsiklo.

Kwento pa ni Dauz na sinabi ng isa sa mga magulang na hindi niya alam na kinuha ng anak niya ang susi ng motorsiklo pero hindi ito tinanggap ng PNP.

Umaasa si Dauz na magiging leksyon ito sa ibang mga magulang para huwang nilang payagan ang kanilang mga anak na menor de edad na magmaneho.