CENTRAL MINDANAO – Hinikayat ng Kabacan Cotabato-Rural Health Unit ang mga magulang na may anak 0-14 years old na ipatala ang kanilang mga anak sa barangay health center upang mabigyan ng bakuna.
Paglilinaw ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. ang nasabing bakuna ay subok at matagal ng ginagamit sa mundo.
Sinabing pananggalang ito sa Hepatitis B, Pentavalent, OPV, IPV, PCV, at MMR o Mumps, Measles, at Rubella.
Inaasahan na magsisimula ang nasabing bakunahana sa October 18, 2021.
Samantala, buo naman ang suporta ng liga ng mga barangay sa pangunguna ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman sa adhikain na ito.
Aniya, bilang isang “ina” alam nito ang benepisyo ng nasabing mga bakuna sa bawat bata.
Pinayuhan na rin nito ang mga kapitan na maging bukas sa pagdagsa ng mga taong gustong magpatala para sa kanilang mga anak.