Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabakunahan na agad ang mga informal settlers o mga mamamayan na mahihirap.
Sa kaniyang public address nitong Lunes ng gabi, na hindi na ito makapaghintay na mayroon pang sobra na bakuna para lamang sa mga mahihirap ang buhay.
Dagdag pa ng pangulo na kung maaari ay bakunahan ang mga ito sa lalong madaling panahon kapag natapos ng mabakunahan ang mga health workers, senior citizens at kahit huli na aniya ang mga empleyado ng gobyerno.
“Everybody must contribute and all departments must take note of this. This is not just a fight against COVID-19 but a fight against despair and hopelessness,” paliwanag pa ni Duterte.
Mas maganda aniya na mismong ang Department of Health (DOH) ang iikot sa mga lugar kung saan marami ang hirap sa buhay para mapabilis ang pagpapabakuna.
Pagtitiyak naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na paghahandaan nila ang nasabing naging kautusan ng pangulo pero hindi ganon kasimple dahil kailangan pang obserbahan ang mga naturukan kung may side effects.
Sa ngayon aniya, mas maigi na malapit sa mga ospital o health centers ang vaccination sites.