-- Advertisements --
Supreme Court
Supreme Court

Pangungunahan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang makasaysayan na 1st National Shari’ah Summit sa Marso 5 hanggang 6.

Gaganapin ang summit na may temang Forging the Role of Shari’ah in the National Legal Framework sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa Supreme Court, tinatayang 300 ang mga lalahok sa summit na kinabibilangan ng mga justice, hukom, piskal at abogado sa lahat ng sangay ng pamahalaan.

Gayundin, ang Shari’ah counselors, Shari’ah judges, mga miyembro ng academe, mga kinatawan ng non-governmental organizations, at foreign delegates mula sa mga bansa na
ipinapatupad ang Shari’ah laws.

Layon ng Summit na maging venue para sa knowledge-sharing ng mga ideya at ng best practices, at maibahagi sa participants ang basic principles ng Shari’ah justice system.

Ilan sa speakers si Chief Justice Alexander. Gesmundo at SC Justices Japar Dimaampao at Marvic Leonen.