-- Advertisements --

Isinagawa ngayong araw ang pagsusuri, calibration at reconfiguration ng mga makina ng National Printing Office (NPO) upang matiyak na parehas ng kalidad ng mga balota ang iimprenta ng bawat printer.

Nasa apat na makina ng printing office na ang gagamitin upang matulungan sa pag-iimprenta ang komisyon kaya naman kumpiyansa sila na matatapos pa rin sila na tugma sa kanilang timeline. Sa kabuuan, anim na makina na ang papaganahin sa muling pagsisimula ng pag-imprenta ng mga balota sa susunod linggo.

Sa muling pagsisimula ng pag-imprenta ng mga balota ay kailangan munang dumaan sa trusted build ang Election Management System (EMS) bago muling simulan ang pag-iimprenta. Puspusan na rin ang mga trabahador ng komisyon upang makamit ang target na bilang ng mga bagong balota.

Matatandaan na sinabi na rin ng komisyon na naka-standby na ang mga makina ng National Printing Office (NPO) kung sakali man na kailanganin ng poll body ng tulong.