-- Advertisements --

Naglabas ng abiso ang mga malalaking banko sa bansa ukol sa pansamantalang pagsasara bilang pakikiisa sa paggunita ng Mahal na Araw.

Simula bukas, April 17, pansamantalang magsasara ang operasyon ng mga naturang banko at magtutuloy ito hanggang sa araw ng Sabado, April 19.

Muling babalik ang normal banking services sa araw ng Lunes, April 21.

Sa kabila nito ay tuloy-tuloy naman ang serbisyo ng mga automated teller machine(ATM) sa buong bansa.

Pinaalalahanan naman ng Banko Sentral ng Pilipinas ang mga banko na siguruhing may access ang publiko sa Instapay at Pesonet services, ang dalawang electronic fund transfer service sa Pilipinas.

Ngayong araw, April 16, tuloy din ang regular trading hours sa mga pasilidad at USD/PHP trading ng BSP.