-- Advertisements --

Kinansela ni Queen Elizabeth II ang mga malalaking kaganapan sa Buckingham Palace at sa Windsor Castle sa buong taon dahil sa coronavirus outbreak.

Sa inilabas na pahayag ng Buckingham Palace na tinignan nila ang posibilidad na ito ay matuloy subalit napaka-imposible na magkaroon pa ng aktibidad.

Ilan sa mga tinignan nila ay ang posibilidad na pagkakaroon ng maraming tao na dadalo at nanangangamba sila na magkaroon ng hawaan.

Plano rin ng 94-anyos na reyna na bumalik sa Windsor Castle sa west London ngayong buwan at gamitin na lamang ang Buckingham Palace para sa mas maliit na pagtitipon.

Magugunitang nauna ng kinansela ang ilang kaganapan gaya ng tradisyunal na ceremonial birthday nito noong Abril.